- my blog about MANDALU-YOUNG rap contest 2..
unang una kung di po kayo interesado ok lang na wag nyo na to basahin, pero kung hip-hop ka
katulad namin you must read this, lalong lalo na sa mga sumasali pa lang ng mga rap contest,
this is about shit (para sakin) na nangyari kamakailan lang sa mandaluyong gym,
ito ho ay rap contest na inasikaso ni krazie kyle with participation of mayor benhur abalos
ang hindi ko lang maintindihan dito sa mga to,, kung bakit kailangan putulan kami ng beat
sa gitna ng pagkanta namin, nung nakaraang taon din pinutulan kami ng beat sa kalagitnaan ng pag-perform namin
dun din sa mandaluyong gym sa MANDALU-YOUNG rap contest 1, ang sakin lang naman eh.. sinusuportahan na nga namin kayo
e ganun pa gagawin nyo.. kung sa inyo it's not a big deal, samin ay ibang usapan na yan, akala nyo siguro mga amature lang kami
na kung kelan nyo gustong pahintuin sa pagkanta e kayo na magdidisisyon? F*ck men! e yung ibang guest nga dun kahit hindi na maintindihan
halos 20 mins nasa stage, tapos titilian lang sila pag naghagis ng mga cd at damit, wala akong pakealam kung gahol kayo sa oras
hindi naman kasalanan na gahol kayo sa oras, at bakit nyo gagawing putulin ang performance namin kung gahol kayo sa oras??
what i mean is gagawin nyong pantapal sa problema nyo na putulin yung performance namin?? kung di ba namang isangdakot na tanga nakaisip nyan!
sa lahat ng rapper na nag perform last year at netong nakaraan, REPABLIKAN SYNDICATE lang ang pinutulan ng beat habang kumakanta, wala nang iba,
sabi ng mentor ko (Denmark Repuyan) wag kaming papayag na wala saming ibigay at hindi bayaran mga talento namin kung kakanta man kami sa
mga event na kami ang ininvite, at least kahit honorarium lang, e kaso sila na nga yung susuportahan mo babastusin ka pa! F*ck
hindi namin habol ung talent fee, hindi namin habol yung kasikatan, actually wala nga saming binayad kahit kusing at kahit man lang tubig,
ang habol namin ay mapasaya mga taga mandaluyong at masuportahan yung nagpa-event, hindi naman sinisiksik sarili namin sa event na yun, bagkos kami
yung kinontact nila para kumanta sa event nila, hindi nga kami yung main guest pero kami naman yung huling kumanta, pinutol pa,
damn it, di nila kasi alam kung anong pakiramdam ng artist pag pinahinto sa pagkanta sa gitna ng entablado, akala nila ganun lang yun kadali,
dismayado ako sa mga bata ni mayor abalos lalong lalo na sa mga organizer ng event, walang kwenta yung event nyo kung nakakatapak kayo ng dignidad
ng mga kapwa nyo rapper, im sorry to say but para sakin walang kenta yung event nyo..
eto pa.. dismayado din ako nung nakaraang MANDALU-YOUNG rap contest (2009) kasi strictly minus 10 points pag sumobra ka ng
kahit isang segundo, pero yung iba sa mga nanalo lagpas pa 3 mins. yung kanta nila, at meron silang 90+% of total score, WTF!??
ibig sabihin lagpas pa 100% yung score nila? kasi pinataw na natin yung 10 pts. deduction nila sa real score nila? God D*mn!!
they have a buch of ignorant judge - About Me:
- hindi ako naninira ng puri sa totoo lang, nagsasabi lang ako ng totoo, hindi ba
kaignorantehan yung hindi mo ibawas yung dapat ibawas sa kanila? kung hindi nila alam na may ganong patakaran? e bingi sila.
ang lakas lakas ng pagkaka-sabi ng emcee na dapat bawasan ang sino mang lumagpas sa oras.. sa mga hindi nakakaalam ang paninirang puri
ay ang pagsasabi ng hindi totoong nangyari o hindi nya totoong ginawa o hindi nya totoong kalagayan sa mga taong
sinabihan mo laban sa taong tinutukoy mo? ang sinasabi ko ay pawang katotohanan at mismong nangyari sa harap ng mata ko,
then isa pa, katabi ko yung isang judge nung MANDALU-YOUNG rap contest 2 at tinanong ako habang kumakanta yung isang
Contestant at ang sabi nya "tropa mo ba yan?" sabi ko naman "hindi, wala akong tropa jan" at ang sabi nya "sabihin mo pag tropa mo ah!"
sh*t ganito pala patakaran ng paghusga nila kaya hindi na ko magtataka kung 90% ng mga pinupuntahan kong contest ay may naglulutuan
hindi ko papalampasin tong ganitong pangyayari at ihahayag ko sa madla kung anu man mga kagaguhan ng mga to,
kaya kayo pumili kayo ng sasalihan nyong contest, alam nyo naman kung anu nang mga dapat gawin at alam nyo na kung saan dapat sumali?
maraming salamat po sa pagbasa sa blog ko.. sana may natutunan kayo.. hanggang sa muli inyong lingkod "FLICT-G"
Friday, March 12, 2010
Raymond Rivera(Flict G Of Repablikan)'s Blog About The Mandaluyong Rap Contest
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment