Friday, March 12, 2010

Pag-Asa By Alas Ng Blizz(Tribute 2 Francis Magalona)


CHORUS:
meron pa bang/ pag asang naghihintay/
kung wala na/ taong satin ay gumabay/
itutuloy namin ang nasimulan/
kulturang minahal mo't pinaglaban/
di namin hahayaan na tapakan/



Ronwaldo

magbabago ang hinaharap kinabukasan/
ilarawan natin ang orasan/tinitigan mo may kabagalan/
lumalaban ang iba sa saket lumalaban ang iba sa kamatayan/
pero pag di mo pinapansin ang oras/
bukas ay bakas ang hirap na iyong dinanas/
merong nagpapaalam na kapatid o kaibigan/
tandaan na lang ang laban na kanyang inilarawan/
habang may buhay may pag-asa/ imposible pwede mong gawing posible/
kung kakayod ka naman ng doble/
tiwala sa sarili kalagan ang nakataling kamay/
simulan ng bumangon at maglakbay/
at yapak ng paa nasa buhangin ang gabay/
sa mundo na gamit ang isipan palad panulat papel/
sa larangan na ginagalawan/
marami ng pumipigil na magsumikap ka at wag kang tumigil kapatid.


Kilya

may pag-asa pa ba ngayong wala ka na/
parang mahirap pero mga alaala na/
iniwan mo saamin at yung mga aral na/
magsisilbing gabay sa bawat lakad na/
aming tatahakin parin ilang beses man na matinik/
lalaban padin ilang problema man ang humalik/
ang tapang na hawak ko'y sayo nagmula/
matibay na pundasyon dahil sayong mga tula/
hindi hadlang ang karamdaman upang hindi ka kumilos/
maging dahilan ng mga nasimulan mo ay di mo matapos/
nakakalungkot isipin na kame kame na lang ngayon wala ka na/
kame kame na nga lang nag aaway pa/
pano na? sanay gabayan mo kame/
alam naman namin nandyan ka lang saaming tabi/
sa bawat pag gawa ng musikang saamen ay tinuro mo/
kasama ka palage sa pagsulat asahan mo.


Ratsky

nayong wala na ang taong sating lahat nagbuklod/
mga kababayan halina't sama sama nating itaguyod/
ang larangan nyang naiwan at satin ay pinamana/
isa kang bayani para samin francis magalona/
ang kaleidoscope world mo ngayon mo sya silipin/
makikita lahat ng tao sama samang nananalangin/
idinuyan ka ng magiting ipinamahagi mo samin/
sabi mo ang bigay ng dyos ay dapat nga naming gamitin/
ito ang ginamit nya samin kaya nakagawa ng mga awitin/
mga awit mo na sumasalamin sa buhay ng tao't sa bayan natin/
ay nagsisilbing gabay kaya nga hawak ko ay ballpen/
upang ipagpatuloy na magsulat at ituloy ang yong' hangarin/
ang mithiin na ang lahat ng tao ay magkaisa/
natupad na at sama sama nga ngayong nagluluksa/
ating bansa ay tumahimik lahat ng tao'y gustong sumilip/
sana di to totoo at isa lang tong panaginip.



Inzomia

Buong pinas ay nagluksa nung kami ay iyong nilisan/
pag patak ng mga luha sa mata'y di napigilan/
tulad kong makata na kabilang sa nangungulila/
nawalan kami ng hari at kami'y parang nanghina/
ngunit itutuloy namin ang yong' nasimulan/
ang alaala mo'y mananatili sa puso't isipan/
pagkat isa kang bayani na tinuturing na alamat/
mr. francis magalona mami-miss ka ng lahat.


Anemia

parang ang hirap isiping wala ka na saming tabi/
isang taong gumagabay na nag silbi saming haligi/
isa kang inspirasyon saming pagsisimula/
karapat-dapat ka lang tawaging bayani ng tula/
alam ko kahit ilan pang tula ang aking isulat/
di ko matutumbasan ang mga dinanas mong sugat/
upang maitaguyod kultura kong kinabilangan/
master rapper ng pinas di ka namin malilimutan.

No comments:

Post a Comment